Thursday, May 8, 2008

Ano nga ba ang BOWLING?

Ang Bowling ay isang laro na kung saan ginagamit ang utak at pisikial na lakas. Hindi ito basta-basta laro na kung saan tira lang nang tira, hindi iniisip kung tama o mali ang bawat kilos at galaw. Ang bawat tira ay mahalaga ngunit wag nating kakalimutan na sa bawat tira na iyon ay maari taong magkamali. Sa bowling, hindi ang mga magagandang gamit ang kailangan.. Kailangan dito ang sipag, galing at lakas nang loob. Hindi kalaban ang kalaro mo, kung hindi ang sarili mo. Sa larong ito lahat kaibigan mo bukod sa sarili mo pero kung magiging kaibigan mo ang sarili mo, hindi na magiging mahirap sayo ang mag-adjust, ang mag laro, at wala ka nang mararamdamang takot at kaba kundi saya. Kung masaya ka sa bawat tira mo kahit ano pa ang resulta, masaya ka parin, pero mahirap gawin yun. Kaya ang pinaka magandang gawin ay malaman mo ang "cause and effect" dahil sa paraan na ito malalaman mo kung ano ang mali mo.

Sa larong ito kailangan din nang teamwork. Dahil hindi lang singles ang meron dito. Pati na rin ang Doubles at Trios. Sa totoo lang kailangan din dito ang supporta nang bawat isa dahil sa tulong na maibabahagi mo nakakakuha ka nang pagmamahal in return. At masaya at masarap manalo kung pinagpawisan niyo nang sabay-sabay ang panalo!

Ang bowling hindi lang para sa sarili mo. Dito, makakakita at makakakilala ka nang mga kaibigan. Masaya rin lalo na kung minsan bago mag-bowling kwentuhan muna, kumustahan asaran, at ingayan.

Hindi ko nga lubusang maisip kung bakit nagiging masaya ako pagnagbobowling lalo na sa mga tournaments iba kasi ang pakiramdam parang nakakatakot na nakakatuwa.

Pero isa lang ang masasabi ko... MASAYA AT MASARAP mag-bowling.. :)

No comments: