Monday, January 5, 2009

Win or Lose?

Win or Lose?

Hindi ba't masarap manalo? Lalo na sa isang laro o isang laban na pinaghirapan mo?
Sa isang laban o isang laro, lahat ng kasama dito'y gustong manalo? Gustong makuha ang pinakamataas? Ang number 1? Lahat ng makakayang ibigay ay gagawin lamang para dun.
Minsan nga meron pa tayong natatapakan at nasasaktan dahil dito. Masarap nga manalo, masarap nga'ng marinig ang " Ang galing mo!" , "Astig!", at "The Best".
Pero naisip ba natin minsan na masarap matalo?
Dahil nakikita natin ang ating sarili. Hindi ba't pagtayo'y nanalo minsan nakakalimutan na natin ang ating sarili na may iba pa pala tayong dapat gawin? Minsan nga parang hindi na natin nakikita ang iba. Parang hindi ka na maabot. Masakit yun para sa iba...
Masarap matalo, dahil natututo tayo'ng magpakumbaba. May mga taong lalapit sayo at magsasabi na "Ayos lang yan!", "okay lang yan, panalo ka naman sa akin eh..", at "Ang ganda ng laban!." Hindi ba't mas masarap marinig? Kaya pagnatalo ka natututo ka...
Kaya... hindi masamang matalo. Minsan nga ito pa ang simula para manalo. Basta maniwala ka lang sa Kanya..