Tuesday, May 20, 2008

Sulat ni Inay at Itay sa atin...

Para sa mga anak. Para sa mga magulang. Para sa lahat.
A reminder that moms and dads are real blessongs...
A reminder that they truly deserve our gratitude and respect...
A reminder that indeed their love is worth beyond compare...
Life is shorter than we expect it to be. Take time to spend precious moments with your family. Show your love and that you care.


Sulat ni Tatay at Nanay sa Atin
Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan,huwag mo sana akong kagagalitan.Maramdamin ang isang matanda.Nagse-self-pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako.Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng "binge!" paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat nalang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.
Kapag mahina na ang tuhod ko,pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka.Basta pakinggan mo nalang ako.Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.
Natatandaan mo anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yong sasabihin maghapon kang mangungulit hangga't hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.
Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan.Natatandaan mo noong bata ka pa? pinatyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit, dala na marahil ito ng katandaan.Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.Kapag may konti kang panahon,magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang.Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa.
Walang kausap.
Alam kong busy ka sa mga ginagawa mo, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakwentuhan ka,kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko.Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan,pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay.Tutal hindi na naman ako magtatagal.
Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana ...dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina...

Thursday, May 8, 2008

Ano nga ba ang BOWLING?

Ang Bowling ay isang laro na kung saan ginagamit ang utak at pisikial na lakas. Hindi ito basta-basta laro na kung saan tira lang nang tira, hindi iniisip kung tama o mali ang bawat kilos at galaw. Ang bawat tira ay mahalaga ngunit wag nating kakalimutan na sa bawat tira na iyon ay maari taong magkamali. Sa bowling, hindi ang mga magagandang gamit ang kailangan.. Kailangan dito ang sipag, galing at lakas nang loob. Hindi kalaban ang kalaro mo, kung hindi ang sarili mo. Sa larong ito lahat kaibigan mo bukod sa sarili mo pero kung magiging kaibigan mo ang sarili mo, hindi na magiging mahirap sayo ang mag-adjust, ang mag laro, at wala ka nang mararamdamang takot at kaba kundi saya. Kung masaya ka sa bawat tira mo kahit ano pa ang resulta, masaya ka parin, pero mahirap gawin yun. Kaya ang pinaka magandang gawin ay malaman mo ang "cause and effect" dahil sa paraan na ito malalaman mo kung ano ang mali mo.

Sa larong ito kailangan din nang teamwork. Dahil hindi lang singles ang meron dito. Pati na rin ang Doubles at Trios. Sa totoo lang kailangan din dito ang supporta nang bawat isa dahil sa tulong na maibabahagi mo nakakakuha ka nang pagmamahal in return. At masaya at masarap manalo kung pinagpawisan niyo nang sabay-sabay ang panalo!

Ang bowling hindi lang para sa sarili mo. Dito, makakakita at makakakilala ka nang mga kaibigan. Masaya rin lalo na kung minsan bago mag-bowling kwentuhan muna, kumustahan asaran, at ingayan.

Hindi ko nga lubusang maisip kung bakit nagiging masaya ako pagnagbobowling lalo na sa mga tournaments iba kasi ang pakiramdam parang nakakatakot na nakakatuwa.

Pero isa lang ang masasabi ko... MASAYA AT MASARAP mag-bowling.. :)

Wednesday, May 7, 2008

Iba't ibang tao...

Iba't ibang tao...

Ang mga tao ay iba't iba. Kadalasan may iba't ibang problema ngunit iisang dahalan. Yung iba naman masayahin, minsan pa nga mababaw pa ang ligaya. Konting kilos lang matatawa na. Yung iba naman sobrang sensitive sa kanilang nararamdaman konting biro at maliit na salita lang nasasaktan na agad-agad, pero marahil na rin ito sa kanilang mga masasamang naranasan sa kanilang buhay. Yung iba naman malungkutin, pilitin man nating pasayahin sila parang baliwa lang. Ito'y marahil sa kanilang patung-patong na problema. Yung iba naman masusungit, kadalasan iniirapan ka lang sa tabi kung baga parang hindi ka nage-exist sa mundo. Ang resulta nito palagi silang pinagiisipan ng masama. Yung iba naman concern sa ibang tao, pero ang kadalasang sinasabi sa kanila ay mga nangigi-alam. Kaya't imbis na tutulong siya, wala na nahihiya na. Yung iba naman madrama sa buhay, parang maproblema kahit nasa kanila na ang lahat ng bagay na gustuhin nila, ang kadalasang dahilan ay kulang sila sa pagmamahal ng ibang tao. Yung iba naman sobrang likot kung kumilos parang wala nang natitirang oras para sa kanila. Yung iba naman mapagmahal at malambing, ito'y ibinabahagi nila sa iba kaya't yung ibang tao mahal at gusto sila. Yung iba naman sobra sa pagmamahal, kaya sila'y nasasakal at gusto na bumukod.

Lahat tayo ay may iba't ibang ugali, problema, mga masasayang alaala, asta, paniniwala sa buhay,
istilo na ginagamit sa ating sariling buhay,
mga gustong gawin at hindi gawin,
Unique tayong lahat.
Kaya't matuto tayong tumayo at ipaglaban natin ang ating sarili
sapagkat hindi natin alam kung anong mangyayari sa bawat minutong pimapatak sa bawat oras minsan kailangan din nating makinig sa ibang tao.
Ikaw? Sa tingin mo isa ka ba sa mga taong ito?

Kailangan ba nating baguhin ito o hindi?

Walang makakasagot kung hindi ang mga sarili natin.

kayamanang nasa paligid..


kayamanang nasa paligid..

Malamig ang simoy ng Hangin. Ito'y sumasagi sa aking pisngi, tila kamay ng aking iniibig.
Ang araw ay mataas mula sa himpapawid. Ito'y nagbibigay ng liwag at ng kagandahan sa ating paligid.
Ang mga bituin ay nagniningning mula sa alapaap. Ito'y nagbibigay nang silaw sa kadiliman ng gabi.
Ang mga bulaklak ay maganda at mabango. Nagbibigay ito ng mga ngiti mula sa ating mga labi.
Ang mga puno ay kulay berde. Nagbibigay ito ng lilim upang hindi tayo mainitan.
Ang mga ibon ay nasa palagid. Ito'y kumakanta at nagsisilbing tugtog sa 'tin.
Ang ilog at dagat ay asul at malinis. Ito'y isang daan papunta sa paraiso.
Ang mga batong marami. Ito'y matibay at matatag na bagay sa tabi.
Ang ulap ay maputi. Parang unan sa langit.
Hanggang sa dumating ang panahon, naninira na ang mga tao sa Likas na yaman ng ating mundo.
Ano ang mangyayari?
Kailangan pa ba na maghinatay na masira ito?
Kumilos ka!
Kailangan pa ba na magsisi muna?
Kumilos ka!
Kailangan pa ba nating masaktan?
Kumilos ka!
Sa ating buhay, kailangan nating kumilos at gawin ang tama.
Sapagkat ang buhay ay mahalaga.
Ito'y ibinahagi sa atin ng Diyos na may kapal.
Ito'y ating pahalagaan.

Ako...

AKO

Sino ako?
Bakit ako nandito?
Ang buhay ba ay dapat mag-mahal?
O isang bagay na dapat katakutan?


Bakit ako?
Bakit ako nabubuhay?
Ako ba'y dapat tumanggap?
O ako ba'y dapat magbigay?


Ano ang silbi ko?
Ano ang kaya ko'ng gawin?
Ikaw ba'y aking kaibigan?
O kilala ko lang?


May pag-ibig ba talaga?
Masaya ba ito?
Maaari ba akong umibig?
O dapat maghintay lamang?


Ano ba ang pag-ibig?
Hindi ko alam,
Ito ba'y hindi para sa akin
O ito'y dumadating?


Sinu-sino ang mga kaibigan ko?
Sino ang mga kaaway ko?
Magtitiwala ba ako sa iba?
Walang nakakaalam.


Bakit ako masaya?
Bakit ako umiiyak?
Bakit ako nabubuhay?
Kailan ako mawawala?